ISANG 5.4 magnitude na lindol ang tumama sa Northern California sa araw mismo ng Bagong Taon, wala pang dalawang linggo matapos yanigin din ito ng 6.4 magnitude na lindol ang rehiyon.
Naganap ang lindol mga 30 milya sa timog ng Coastal City ng Eureka, na nasa pagitan ng San Francisco at Portland, Oregon.
Ang epicenter nito ay nasa lungsod ng Rio Dell.
Inihayag ng US Geological Survey na mababaw ang lindol sa lalim na humigit-kumulang labingpitong milya, ngunit mas marahas ang ang lindol sa pagkakataong ito ayon kay Rio Dell Mayor Debra Garnes.
27 mga kabahayan sa Rio Dell ay inalertuhan na hindi ligtas sa ngayon dahil sa mga naitalang pinsala.
Sinabi ni Mayor Garnes na 30% ng tubig ng bayan ay nakasara ngayon at mayroong 35 talampakan na bitak sa isa sa mga pangunahing kalsada ng bayan.
Ito ang pangalawang lindol na tumama sa Northern California Region wala pang isang buwan, pagkatapos ng 6.4 magnitude na lindol noong Disyembre 20, na ikinasawi ng dalawang tao.
Sinabi ng US Geological Survey na ang pinakahuling lindol ay nagbunga ng zero fatalities at hindi masyadong nakaapekto sa ekonomiya, ngunit ang mga apektadong lugar ay bumabawi pa rin sa ngayon mula sa nakaraang lindol.