5.7 magnitude na lindol, niyanig ang Bangui, Ilocos Norte

5.7 magnitude na lindol, niyanig ang Bangui, Ilocos Norte

NIYANIG ng 5.7 magnitude na lindol ang Bangui, Ilocos Norte, anim na minuto bago ang alas tres ng madaling araw kanina, Disyembre 4, 2024.

Inaasahan ang aftershocks at maging ang mga pinsala mula dito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Intensity V ang naramdaman sa:

  • Laoag City, Pagudpud, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Adams, Sarrat, at San Nicolas sa Ilocos Norte

Intensity IV sa:

  • Batac City, Currimao at Pinili sa Ilocos Norte
  • Sinait, Vigan City, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, Santa Lucia, Santa, Narvacan, San Esteban, Cabugao, San Juan, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, Santa Cruz, Santo Domingo, Santiago, Candon City, at Santa Maria sa Ilocos Sur
  • Lacub, Tayum, San Juan, La Paz, San Isidro, Pidigan, Bangued, Tubo, at Bucay sa Abra
  • Baguio City
  • Atok, at Buguias sa Benguet
  • Besao, at Bontoc sa Mountain Province

Habang Intensity III sa:

  • La Trinidad, Benguet

Samantala, niyanig din ng 4.7 magnitude na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur.

Ngayong Miyerkules din nang ito ay nangyari, 2:26 ng madaling araw.

Habang, magnitude 5.3 naman na lindol ang naranasan sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental 12:09 kaninang hatinggabi.

Sa kabutihang palad, wala namang inaasahang aftershocks at pinsala mula sa mga nabanggit na pagyanig sa Surigao del Sur at Davao Occidental.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble