5-anyos na batang babae, itinanghal na pinakabatang Jiu-Jitsu World Champion ng Pilipinas

5-anyos na batang babae, itinanghal na pinakabatang Jiu-Jitsu World Champion ng Pilipinas

ITINANGHAL ang isang 5-anyos na batang babae bilang pinakabatang Jiu-Jitsu World Champion ng Pilipinas.

Tinalo ni Aleia Aielle Aguilar si Gabriela Vercosa ng Brazil via verbal submission para kunin ang gold medal sa Kids’ 1 Under 16 Kilogram Class sa 2022 Abu Dhabi World Jiu-Jitsu Championships sa Jiu-Jitsu Arena, Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).

Ang batang Jiu-Jitsu Champion ay anak ni Aguilar, ang president at founder ng Filipino MMA promotions na Universal Reality Combat Championship (URCC).

Follow SMNI NEWS in Twitter