DAHIL sa sumbong ng isang empleyado ng forwarding company sa Brgy. Pamploma Tres, Las Piñas City, napasakamay ng mga awtoridad ang limang balikbayan box na naglalaman ng ilegal na droga.
Nang buksan ang mga kahon, tumambad ang bloke-blokeng dahon ng marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 51 kilo na may estimated price value na P6M.
Ikinasa ang operasyon dakong alas nuebe ng gabi, Martes, Enero 7, 2025.
Naging madali ang operasyon ng mga awtoridad dahil na rin sa mabilis na kumpas ng mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional unit at lokal na pulis.
Ayon sa impormasyon, nakatakda itong ibiyahe buti na lamang at napigilan ito na bahagi naman ng ginagawang imbestigasyon ngayon kung saan galing ang mga ilegal na droga at kanino ito ipadadala.