INARESTO at nakatakdang ipa-deport ang 5 dayuhan sa kani-kanilang bansa dahil sa paglabag nila sa Immigration Laws ng Pilipinas.
Sa isang pahayag sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na dapat i-blacklist ang mga nasabing dayuhan dahil sa intensyonal na paglabag sa batas ng bansa.
Kinilala ang mga dayuhan na sina Victor Florendo Carpiso, 63, isang American national; Saleem Khan, isang Pakistani, dalawang Indian na sina Prakash Raj Ramara, 26 Tejinder Singh, 41; at isang Vietnamese national na si Tran Van Thung, 26.
Inaresto ang mga nasabing dayuhan dahil sa overstaying ng mga ito sa bansa ng walang permit o visa.