5 health workers, kabilang sa panibagong nasawi sanhi ng COVID-19

KABILANG sa mga bagong nasawi sanhi ng COVID-19 ang limang mga health worker kung kaya’t umabot na sa 83 ang kabuoang bilang ng mga nasawing medical frontliner.

Samantala, aabot na sa 14,428 ang kabuoang bilang ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga health worker dahil nasa 171 ang panibagong kaso.

Sa kabila nito, naitala naman ng kagawaran ang 14,012 na kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 na mga health worker matapos magkaroon ng 154 na bagong recovery.

Sa ngayon, nasa 333 ang nanatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga medical frontliner sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.