NAKAUWI na sa bansa ang limang karagdagang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon nitong Nobyembre 22, 2024.
Lulan ang mga ito ng Flight TK84 sa NAIA Terminal 3.
Nakatanggap na sila ng karampatang tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa pagsisimulang muli dito sa Pilipinas.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang koordinasyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang ahensiya ng gobyerno upang masiguro ang ligtas na repatriation ng mga natitirang OFWs sa Lebanon.