5 katao, patay habang libu-libo naman ang apektado dulot ng Habagat

5 katao, patay habang libu-libo naman ang apektado dulot ng Habagat

PATULOY na nararanasan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang masungit na panahon na dulot ng southwest monsoon o Habagat.

Hulyo 11 araw ng Huwebes unang naramdaman ang southwest monsoon sa Palawan, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCKSARGEN, Davao Region, Misamis Occidental at Lanao del Norte na kung saan nakataas ang moderate to heavy rains na mayroong 50-100 mm na buhos ng tubig ulan.

Sumunod na araw, lumakas pa ito at itinaas ang heavy to intense rains na mayroong 100-200 mm na buhos ng tubig ulan sa mga lugar kagaya ng BARMM, Zamboanga Peninsula, Sultan Kudarat, Misamis Occidental, at Lanao del Norte.

Base sa datos na inilabas ng PATULOY na nararanasan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang masungit na panahon na dulot ng southwest monsoon o Habagat. as of July 17, umabot sa 36 na lugar ang binaha at pinakamarami dito ay mula sa Region 12 na mayroong 15, sumunod ang BARMM na mayroong 11, Region 9 na mayroong 9 at Region 10 na mayroong isang lugar na binaha.

Sa nasabing bilang nasa mahigit 300 barangay ang apektado dulot ng masamang panahon sa BARMM nasa mahigit 200 barangay habang sa Region 12 umabot sa mahigit 100, sa Region 10-29, sa Region 9-21 at Region 11-13.

Kaugnay rito, nasa mahigit 99 na libong pamilya o katumbas ng nasa mahigit 400 libong indibidwal ang apektado ng masungit na panahon.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa mahigit 49 na libong pamilya ang apektado, sumunod ang Region 12 na mayroong mahigit 43 libo, Region 9 mahigit 3 na libo, Region 10 dalawang libo at Region 11 na mayroong mahigit 100 pamilyang apektado

Bagamat libu-libong pamilya ang apektado nasa mahigit limang libong pamilya lang ang pansamantalang sumisilong sa 46 na evacuation centers na itinalaga ng gobyerno habang nasa mahigit 49 na libong pamilya naman ang piniling sumilong sa labas ng mga evacuation centers o sa kanilang mga kaanak.

Samantala, ikinalungkot naman ng Office of Civil Defense (OCD) ang balita na mayroong 5 kumpirmadong nasawi dahil sa Habagat.

Sa panayam ng SMNI News kay Office of Civil Defense Director. Edgar Posadas, sinabi nito na ang sanhi ng pagkamatay ng limang nasawi ay pagkalunod.

“Unfortunately po hindi po tayo ganun ngayon, hindi po tayo naka-zero casualty dito lang po ito sa sama ng panahon sa southwest monsoon meron tayong lima (5) na kung saan validated na nasawi, apat po dito ay sa Region 9 at isa po sa Region 10.”

“Karamihan po sa kanila ay drowning sir or ‘yong mga nababagsakan po ng mga bagay sa kanilang ulo pero majority po is drowning,” ayon kay Dir. Edgar Posadas Spokesperson, OCD-NDRRMC.

Sa ngayon ayon kay Posadas patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda dahil baka aniya sa susunod na linggo ay patuloy na makararanas ng masungit na panahon.

“Lalo na po ngayon medyo pumasok na po ‘yong LPA natin so medyo nagdagdag po itong pag-ulan may kasama pa pong mga posibleng epekto sa Habagat baka hindi natin alam next week meron paring ganitong sitwasyon, tuluy-tuloy lang po tayong magmasid, maging alerto maging informed kasi maganda po ‘yong sumusunod tayo,” ani Posadas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble