SINAMPAHAN ng kasong cyber liber ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang limang konsehal ng lungsod.
Kaugnay ito sa umano’y paninira ng mga konsehal sa student’s gadget project ng local government para sa distance learning.
Kabilang sa kinasuhan sa City’s Prosecutor’s Office sina Councilors Rose Mercado, PJ Malonzo, Alexander Mangasar, Alou Nubla at Carding Bagus.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pahayag ng mga konsehal sa pamamagitan ng ilang serye ng mga video na pinost online na ang mga digital tablet na binili ng city government ay substandard at naantala rin ang distribusyon nito.
Tinawag naman ni Malapitan ang hakbang ng mga konsehal na bahagi ng “politicking” ngayong papalapit na ang eleksyon.