5 lugar sa Visayas at Mindanao, nakitaan ng ‘very high’ COVID-19 positivity rate – OCTA

5 lugar sa Visayas at Mindanao, nakitaan ng ‘very high’ COVID-19 positivity rate – OCTA

NAKAPAGTALA ng mahigit 20% na positivity rate ang limang probinsya sa Visayas at Mindanao nitong nakalipas na linggo.

Sa Tweet, inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nakitaan ng ‘very high’ positivity rate ang Aklan, Antique, Bohol, Capiz at Negros Oriental mula Hulyo 23-30, 2022.

Ayon kay David, ang Capiz ang may pinakamataas na positivity rate na may 51.2% mula sa 30.6% noong Hulyo 23, 2022.

Una nang sinabi ni David na 14 probinsya sa Luzon ang pumalo na sa mahigit 20% ang positivity rate nitong Hulyo 29, 2022.

Ang mga probinsyang ito ay ang Albay, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Follow SMNI News on Twitter