5-man advisory group na susuri sa courtesy resignation ng mga top-level police officer, pinangalanan na

5-man advisory group na susuri sa courtesy resignation ng mga top-level police officer, pinangalanan na

INANUNSYO na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang apat na miyembro ng five-man advisory group na sasala sa courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sina Mayor Benjamin Magalong, PNP Chief Rodolfo Azurin, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., retired Major General Isagani Nerez habang ang isa ay tumangging isapubliko ang kanyang pangalan.

Sinabi ni Abalos na binigyan ng 3 buwan ang five-man advisory panel na matapos ang kanilang review.

Follow SMNI NEWS in Twitter