5 matataas na kalibre ng baril mula sa CTG narekober ng tropa militar sa Abra

5 matataas na kalibre ng baril mula sa CTG narekober ng tropa militar sa Abra

TINATAYANG aabot sa limang kasapi ng communist terrorist group (CTG) na CPP-NPA ang naka-engkuwentro ng tropa ng 50th Infantry Battalion, 5ID, PA sa Mataragan, Malibcong, Abra araw ng Lunes.

Ang nasabing sagupaan ay nagtagal ng humigit-kumulang 15 minutong palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo.

Matapos ito ay narekober ng tropa ng pamahalaan ang tatlong M16 rifles, isang M14 rifle at isang K3 light machine gun.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang operasyon ng mga awtoridad upang matunton ang mga lugar na maaaring pinagtaguan ng mga natitirang miyembro ng teroristang grupo.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa panig ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble