SUMUKO ang limang lawless elements sa tropa ng 44th Infantry Battalion sa Brgy. Loboc, Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ito ni Joint Task Force ZamPeLan Commander Major General Antonio Nafarrete na sina Abral Ibrahim Abdusalam, alyas Brasil; Hamid Attan Abdusalam, alyas Kadtong; Marvin Kasim; Janhar Abdusalam Martin, alyas Johny; at Faisal Abualas Capunol.
Sila ay pawang mga miyembro ng Abdusalam Criminal Group.
Ibinaba rin nila ang Elisco 5.56mm M16A1 rifle, Colt 5.56mm M16 rifle, M1 Garand rifle, 40mm Grenade Launcher, Armscor Cal .45 Pistol at iba pa.
Sinabi ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Roy Galido na ang pagsuko ng limang indibidwal ay isang testamento na nakuha ng militar hindi lamang ang tiwala at suporta ng mga mamamayan kundi maging ng mga kaaway ng estado.