5 Most Wanted mula sa iba’t ibang lugar naaresto ng QCPD

5 Most Wanted mula sa iba’t ibang lugar naaresto ng QCPD

SA kulungan ang bagsak ng limang Most Wanted Persons (MWP) matapos ang ginawang magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD).

Naaresto ang No. 4 Station Level na MWP ng PS 14 na kinilalang si Jarek Christian Maranan Velilla na may Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o ang Bouncing Checks Law na inisyu ng Branch 4, Metropolitan Trial Court (MeTC), Pampanga City.

Samantala, naaresto rin ng Masambong Police Station (PS 2) ang kanilang No. 4 Station Level MWP ang akusado na si Moises Adame, 68 taong gulang at may Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 89, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Sa kabilang banda, naaresto ng Talipapa Police Station (PS 3) ang kanilang No. 6 Station Level MWP na kinilalang si Jerric Aquino, 21 taong gulang na may Warrant of Arrest sa kasong Theft na inisyu ng Branch 113, MTC, Muntinlupa City.

Inihain naman ng Batasan Police Station (PS 6) ang Warrant of Arrest sa kanilang No. 5 Station Level MWP na kinilalang si Bemando Medina Caha, 47 taong gulang na nahaharap sa kasong 3 counts ng Qualified Rape by Sexual Assault na inisyu ng Branch 13, Family Court, Quezon City.

Sa isa pang operasyon naaresto ng Kamuning Police Station (PS 10) ang kanilang No. 8 Station Level MWP na kinilalang si Ronie Lagahit Estanio, 32 taong gulang. Ang suspek ay may Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 82, RTC, Valenzuela City.

Ang naturang mga operasyon ay alinsunod sa direktiba ni PBGen Anthony Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, na patuloy na paigtingin ang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter