5 pang Pilipino, kumpirmadong nasawi sa Maui wildfires

5 pang Pilipino, kumpirmadong nasawi sa Maui wildfires

UMABOT na sa 19 ang bilang ng mga Pilipinong nasawi sa nangyaring wildfires sa Maui, Hawaii.

Ito’y matapos madagdagan ng lima ang kumpirmadong nasawi matapos sumailalim sa DNA testing.

Kinilala ang mga ito na si Leticia Constantino mula sa Caoayan, Ilocos Sur; Bibiana Lutrania mula sa Pangasinan; Raffy Imperial mula sa Naga City sa Camarines Sur; Marilou Dias mula sa Hinunangan, Southern Leyte; at Maurice Bien mula sa Ilocos.

Nanatili namang missing ang 11 pang mga Pilipino.

Matatandaan na noong Agosto 8 nang manalasa ang mga wildfire sa Maui Island na kumitil ng buhay ng nasa 97 katao at sumira sa halos buong lugar ng Lahaina.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble