5 pang suspek sa pagpatay kay Degamo pinasusuko ng DILG

5 pang suspek sa pagpatay kay Degamo pinasusuko ng DILG

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Jr. ang mga natitira pang suspek na hindi pa sumusuko na lumantad na.

Kasunod ito ng pagsuko ng 5 pang mga suspek sa pagpatay kay Negors Oriental Governor Roel Degamo.

Mayroon nang 10 kabuuan na bilang ng suspek ang kasalukuyang hawak ng mga awtoridad habang patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa ikadarakip ng iba pa.

Sa ngayon patuloy ang case build-up at imbestigasyon sa pangunguna ng National Bureau of Investigation (NBI) upang kuhanin ang kumpletong detalye ng pagpatay kay Degamo.

Napag-alaman na mula sa 10 suspek 9 rito ay dating miyembro ng militar at may direktang partisipasyon sa pagpatay, habang ang isa naman ay isang ex-military trainee.

Patuloy ang isinasagawang joint police-military tracker teams gamit ang mga impormasyong nakalap ng Philippine National Police (PNP) at AFP kasama ang mga datos na nakuha mula sa mga nadakip na suspek upang matunton ang mga natitira pang at-large.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter