5 pangalan ng malalaking bagyo na tumama sa bansa, kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok

5 pangalan ng malalaking bagyo na tumama sa bansa, kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok

IPINANGALAN sa malalaking bagyo na tumama sa bansa ang ilan sa mga ipinagbabawal na paputok ngayong holiday season at sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kabilang sa mga ito ang Yolanda, Christine, Pepito, Ulysses, at Carina.

Ayon sa mga awtoridad, lahat ng mga nasa listahan ay may explosive content na lampas sa 0.2 grams na na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa paligid, mga bata, at maging sa mga hayop.

Bukod sa mga ito, alinsunod sa Executive Order 28 at RA 7183 kabilang din sa mga inilabas na listahan ng PNP-Civil Security Group ang mga bawal na paputok gaya ng Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star (Big), Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, at Atomic Triangle.

Kasama rin dito ang mga malalakas na paputok tulad ng Large-size Judas Belt, Super Yolanda, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Mother Rockets, Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Coke-in-Can, Pillbox, Kabase, Special, Kingkong, Bin Laden, Tuna, at Goodbye Chismosa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble