5 personnel ng PRO-13, pinarangalan

5 personnel ng PRO-13, pinarangalan

PINARANGALAN ng Police Regional Office (PRO)-13 ang 5 na kawani nito, dahil sa kanilang katapatan sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News Team Butuan kay PBGen. Pablo G. Labra II, sinabi nito na bawat linggo ay mayroon silang binibigyan ng parangal na mga kawani dahil sa katapatan nito sa sinumpaang tungkulin na magserbisyo sa publiko.

Aniya nararapat lamang na bigyan ng parangal ang mga kawani nito dahil sa ibinuwis at isinakripisyo ang buhay.

Nakatanggap ng medalya ng ‘Kagalingan’, sina PLtCol. Elvie V. Dedicatoria, PSSg. Jethro Ed G. Dableo sa kanilang accomplishment sa pagdakip sa Top 5 most wanted person regional level na si Eduardo Velasco Agot, Jr. Alyas Jun2x na may kasong rape na nadakip sa Purok Maligaya II Brgy. Rosario, Tandag City, Surigao del Sur noong Abril 20, 2023.

Nakatanggap din ng medalya ng ‘Kagalingan’, sina PCpt. Rizar B. Eublera at PSSg. Fejie R. Dagairag sa pag-aresto kay Ronilo Andoy Mondenido alyas Mando na miyembro ng New People Army na nadakip sa Gigaquit, Surigao del Norte noong Abril 23, 2023.

Medalya naman ng papuri, ang ipinagkaloob kay non-uniformed personnel (NUP) Honey V. Taglucop dahil sa ‘tapat’ nitong pagbibigay ng serbisyo sa loob ng 24 na taon.

“Nagbibigay tayo ng awards sa mga deserving personnel na, who deed previous days a good job. So, we do that every Monday and we will invite guest of honor, usually they are heads of office government agencies. I think, last Monday ang guest naman ay ‘yung branch manager ng GSIS so siya ‘yung nagbigay, this personnel ito ‘yung nanghuli ng wanted persons,” ayon kay PBGen. Pablo G. Labra II.

PRO-13 nakatanggap ng motorsiklo, baril, at handheld radio

Samantala, nakatanggap ng 26 na motorsiklo, 400 rifles at 50 na handheld radio ang PRO-13.

Ayon kay Labra, ang nasabing mga logistics supplies ay ibibigay sa iba’t ibang mga police stations at mobile forces battalion ng rehiyon.

Layunin nito na mapabilis ang pagbibigay seguridad sa mga residente ng CARAGA.

At ang nasabing logistics supplies ay umabot sa P27.8-M.

 “About P28-M ang worth ng logistics na natanggap natin. This will really boost our campaign against criminality, this supplies were given to us,” ayon kay Labra.

PRO-13 outreach program, palalakasin

Bilang pinakamahusay na kasanayan sa hanay ng mga kapulisan ay pinalalakas ng PRO-13 ang outreach program sa rehiyon.

Binigyan-diin ni Labra na prayoridad nila ang mga kapatirang indigenous peoples (IPs) na nakatira sa mga liblib na mga lugar na may kakulangan sa pinansiyal at halos hindi makabili sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“Last week, I give instruction sa aming mga provincial directors to do activities that would benefit ang ating mga IPs. Actually, I directed the Chief R-5 si Col Ringo Zarsozo to really, to see to it our unit will comply this one. That is our commitment to our brothers na belonging to the IP communities,” ani Labra.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter