5 Pilipino, nasawi sa car accident sa New Zealand

5 Pilipino, nasawi sa car accident sa New Zealand

NASAWI ang limang Pilipino sa isang car accident na nangyari sa Picton, New Zealand ayon sa Philippine Embassy sa Wellington.

Kabilang sa nasawi ang dalawang non-Filipino citizens at isang sanggol.

Nagtamo naman ang dalawa pang Pilipino ng sugat kung saan ang isa rito ay nasa kritikal na kalagayan.

Patungo sana ang siyam na biktima sa isang funeral nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang truck sa State Highway 1, Mount Pleasant sa Marlborough.

Nagpaabot naman ng pagdadalamhati ang Embahada ng Pilipinas sa New Zealand sa mga pamilya ng mga nasawi.

“The Embassy was shocked and deeply saddened by this tragedy befalling our kababayan. On behalf of the Philippine Government, the Embassy offers its prayers and condolences to the family and friends of the victims,” pahayag ng embahada.

Patuloy namang nakipag-ugnayan ang embahada sa lokal na otoridad at binisita rin ng mga tauhan nito ang mga nakaligtas sa Wellington Regional Hospital upang magbigay ng tulong sa mga biktima.

Nakipag-ugnayan na rin ang embahada sa Department of Foreign Affairs (DFA) para matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima at pamilya nito.

Follow SMNI News on Twitter