NAHARANG ng ilang Bureau of Immigration (BI) officers ng Davao International Airport ang limang Pilipino na papuntang Singapore kamakailan.
Ito’y dahil pinaniniwalaan ang 5 na biktima ng human trafficking.
Sa salaysay ni BI Commissioner Norman Tansingco, napag-alaman na imbis Singapore ay papunta pa lang Dubai ang 5 Pilipino batay sa isinagawa nilang inspeksyon.
Sinasabi na makikipagkita ang 5 sa isang nagngangalang “Acmed”, dating employer ng isa sa 5 Pilipino.
Kaugnay nito ay muling ipinaalala ni Tansingco na hindi maniniwala sa mga nagpapakilalang employer kung hindi ‘verified’ ng Department of Migrant Workers.