5 Pinoy crew ng pinakalatest na barkong inatake ng Houthi rebels, nakauwi na sa bansa

5 Pinoy crew ng pinakalatest na barkong inatake ng Houthi rebels, nakauwi na sa bansa

DUMATING na sa Pilipinas ang 5 sa 27 na mga Pinoy crew lulan sa barkong MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi rebels noong nakaraang linggo.

Nitong Linggo, Hunyo 30, 2024 nang dumating sila sa bansa ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Binigyang-diin lang ng ahensiya na first batch pa lang ang lima at darating pa ang iba sa susunod na mga araw.

Nabigyan na ang mga ito ng financial aid at iba pang uri ng assistance ng gobyerno.

Ang MV Transworld Navigator ay pinaka-latest na inatake ng Yemeni Militant Group habang naglalayag sa Gulf of Aden.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble