5 politiko sa Colombia, nasawi sa plane crash

5 politiko sa Colombia, nasawi sa plane crash

NASAWI ang limang Colombian politicians matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa San Luis de Gaceno, Boyaca, Colombia.

Maliban sa limang politiko, nasawi rin ang piloto ng eroplano dahil sa malakas na impact ng pagkakabagsak ng eroplano.

Kinilala ang mga politiko na sina ex-Senator Nohora Tovar, Departmental Lawmaker Dimas Barrero, Aspirant Governor Eliodoro Alvarez, at Villavicencio Municipal Councilor Oscar Rodriguez.

Pawang miyembro ng Right-Wing Centro Democratico ni dating Colombian President Alvaro Uribe ang mga nasawi.

Sa ngayon, wala pang pinal na pahayag ang mga awtoridad ng Colombia sa totoong dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter