5 sundalo, sugatan sa bakbakan sa MILF sa Basilan

5 sundalo, sugatan sa bakbakan sa MILF sa Basilan

SUGATAN ang limang sundalo sa patuloy na bakbakan sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan.

Ayon kay Joint Task Force Basilan commander Brigadier General Domingo Gobway, kahapon ng tanghali nang magsimula ang bakbakan matapos barilin ng sniper ang isang sundalo na maswerte na naka-kevlar helmet.

Nabatid na may tinutugis na lawless elements ang 64th Infantry Battalion sa Ulitan.

Pero kinakanlong umano ito ng MILF at hindi nakikipag-usap ang kanilang commander sa militar.

Samantala, gumagawa na ng paraan ang pamahalaan at MILF Ceasefire Mechanism at Local Government Unit (LGU) para sa agarang tigil-putukan.

Follow SMNI NEWS in Twitter