5-year-long online violence laban kay Maria Ressa, isinagawa

INILUNSAD ngayon ang isang 5-year-long online violence campaign laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Layunin nito na mai-discredit ang kanyang journalism at pabagsakin ito.

Ayon sa International Center for Journalists, aabot sa500 ang kakila-kilabot na social media posts laban kay Ressa.

Kamakailan ay hinarang ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pag-alis ni Ressa papuntang Norway sa December para i-claim ang kanyang Nobel Peace Prize.

Ayon sa OSG, “No Necessity and Urgency” ang travel bid ng Journalist dahil wala naman anilang maapektuhan kung hindi ito dadalo at wala ring espesyal na mangyayari kung pisikal itong pupunta sa event.

Suhestisyon ng OSG, dadalo nalang si Maria Ressa sa pamamagitan ng video conferencing.

Sagot naman ni Ressa dito, nakakaapekto umano sa international interest ng Pilipinas ang hindi pag-attend nito dahil kataka-taka ang rason at mahirap ipaliwanag.

Ang travel bid ni Ressa ay isasagawa sana sa December 8 hanggang 13.

June 2020 nang kinonsiderang ‘flight risk’ si Ressa dahil sa cyber libel case nito.

SMNI NEWS