50.1M na mga pasahero, naitala sa NAIA noong 2024

50.1M na mga pasahero, naitala sa NAIA noong 2024

NASA 50.1 milyon ang naitalang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2024.

Ayon sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), mas mataas ito ng 10.4% kumpara sa 45 milyon na mga pasahero noong taong 2023.

Mula rito, ngayong taong 2025, tututukan na rin ng NNIC ang pagsasamoderno at pagpapahusay ng imprastraktura at operasyon ng NAIA.

Ito’y upang makasabay sa tumataas pa na travel demand.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble