TARGET ng pamahalaan na babakunahan laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang humigit-kumulang 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino sa loob ng taong ito.
Ito ang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief Implementer Carlito Galvez Jr. kasabay ng paglatag nito ng Philippine National Vaccine Roadmap.
Ani Galvez, kabilang sa Pilipino na prayoridad para sa COVID-19 vaccination ang healthcare workers (HCWS), vulnerable indigent senior citizens, mahihirap na komunidad, uniformed personnels, mga guro at school workers, mga kawani ng gobyerno, essential workers, vulnerable at co-morbid groups, overseas Filipino workers o OFWs, at iba pang natitirang work force.
Inihayag naman ni Galvez na ang implementasyon ng national vaccine program ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno.
“The implementation of the national vaccine program is not the sole responsibility of the government. Batid ng pamahalaan na hindi niya ito makakayang mag-isa,” pahayag ni Galvez.
Ito, ani Galvez ang dahilan kung bakit ina-adopt nila ang whole-of-government at ang whole-of-nation approach.
“Maximizing manpower, expertise, and processes to ensure the coordinated and integrated implementation of the COVID-19 immunization program,” ayon kay Galvez.
Target naman ng pamahalaan sa massive nationwide vaccination program na makamit ang full recovery ng buhay ng mga Pilipino at ng ekonomiya.