50% booster coverage sa unang 100 araw ni PBBM imposible nang maabot –DOH

50% booster coverage sa unang 100 araw ni PBBM imposible nang maabot –DOH

AMINADO si Department of Health (DOH) OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malayo pa sila sa kanilang 50% na target sa booster coverage para sa unang isang daang araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Aniya, imposible na itong makamit sa pagtatapos ng first 100 days ng Pangulo sa Oktubre 8.

Sa isang press briefing, inamin ni Vergeire na nangungulelat pa sila sa kanilang target.

Para maabot ang 50% na booster coverage ng DOH ay kailangan nasa 23 milyon ang mababakunahan ng booster shot.

Pero mula sa 23M ay nasa 2.7 milyon pa lamang ang nababakunahan ng first booster.

Kaya ayon sa DOH na imposible nang mahabol ang 50 percent na booster coverage sa first 100 days ni Pangulong Marcos.

“‘Pag tiningnan po natin ang atin ngayong accomplishment, we are just around 2.7-million first booster shot that we have accomplished. This is just around 11.3% of this 50% na sinasabi natin. Iyong 50% na number na sinabi natin was at 23-million. That is 50% of the 40+ million eligible for first boosters. So looking at that, if we have 23-million, you remove the 2.7-million, we have around 20 million for us to achieve by October 8 and that is really impossible,” pahayag ni Vergeire.

Dahil dito, ayon kay Vergerie, ibinaba na nila sa 30 percent ang kanilang target.

Naipaalam na rin nila sa Pangulo ang sitwasyon.

“Noong nakipag-usap tayo sa presidente, sabi natin, there’s really a slow update in our first booster shots peo ngayon, gawin natin in phases ang targeting natin. So now, we have a total of 18.8 Million already who are boosted with the first booster shot. This is about almost 24% of our eligible population. We need to get at least 6% more so that we reach 30% for the first booster shots by October 8,” ayon kay Vergeire.

Isasagawa ng DOH ang special vaccination week sa katapusan ng Setyembre para mahabol ang kanilang panibagong target.

Hangad nila na matulungan sila dito ng lahat ng sektor.

“Itong special vaccination week will not so much be different from our everyday PinasLakas but this time around, we are intensifying efforts on the ground. Nakipag-usap tayo sa lahat ng sektor ngayon. Medical societies, ang atin pong mga national government agencies, ang ating mga local governments, ang atin pong iba’t ibang mga sektor ay hinihingi natin ang tulong. Even the private sector,” ani Vergeire.

May tugon naman ang DOH kung sakaling hindi pa rin maaabot nito ang 30 percent booster coverage pagkatapos ng special vaccination.

“There will be more and more of those vulnerable to severe and critical kung hindi natin ma-achieve iyan but of course government is doing our very intensive efforts para magawa natin ‘to at mabakunahan natin ang ating mga kababayan. Consequence for government will be baka dumami ‘yung mga may sakit, dumami ‘yung ma-admit, dumami ‘yung magkakaroon ng severe and critical at syempre, kailangan alagaan parin natin sila,” tugon pa ni Vergeire.

BASAHIN: “PinasLakas” campaign para sa booster shot, itinangging hindi epektibo

Follow SMNI News on Twitter