50% discount sa LRT at MRT para sa mga estudyante epektibo na

50% discount sa LRT at MRT para sa mga estudyante epektibo na

SIMULA ngayong Hunyo 20, mas abot-kaya na ang biyahe ng mga estudyante sa Metro Manila matapos itaas sa 50% ang diskuwento sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Mula sa dating 20%, dinoble ng Department of Transportation (DOTr) ang fare discount upang matulungan ang mga estudyante at kanilang mga magulang ngayong balik-eskwela.

Ayon sa DOTr, lahat ng estudyante, kabilang ang mga nasa postgraduate studies, ay maaari nang makinabang sa kalahating diskuwento sa mga pangunahing linya ng tren.

“Dapat tulungan natin ang mga estudyante, lalong-lalo na ngayon na kaka-open pa lang this week ng classes. Kahit papaano, hirap na hirap tayo sa budget natin ngayon. So malaking tulong ito sa mga estudyante—malaking bawas na ito sa gastos,” ayon kay Sec. Vince Dizon, Dotr.

Dagdag pa rito, maaaring gamitin ang diskwento araw-araw, mula Lunes hanggang Linggo, at kahit holiday, kaya’t malaking ginhawa ito sa mga kabataang araw-araw na nagko-commute papunta sa paaralan.

Layon ng programang ito na mapagaan ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino, lalo na sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Paalala lamang: Siguraduhing may dalang valid school ID o proof of enrollment upang makuha ang diskuwento sa mga istasyon ng tren.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble