MAHIGIT-kumulang limampu (47) katao ang nabaon sa lupa matapos nagkaroon ng landslide sa Yunnan Province, China, umaga ngayong Lunes, Enero 22, 2024.
Nangyari ang landslide alas sais ng umaga at kasalukuyan nang isinasagawa ang rescue operations para sa mga biktima.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung ano ang sanhi ng landslide subalit posibleng dahil ito sa snow.
Bagamat marami-rami na ang nabaon sa lupa, wala pang naitalang nasawi mula rito.