50-M halaga ng ‘misdeclared’ na sigarilyo, winasak ng BOC-CDO

50-M halaga ng ‘misdeclared’ na sigarilyo, winasak ng BOC-CDO

WINASAK ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan de Oro City ang  50-M halaga ng ‘misdeclared’ na sigarilyo.

Isa sa mga repormasiyon ng BOC sa mga nakukuhang smuggled o iligal goods ay isinasailalim na ito sa condemnation o sirain gamit ang road roller at backhoe.

Ito’y upang matiyak na hindi na mapagkakakitaan ng kahit sinong tao kung saan naging isyu ang bidding na ginagawa sa mga smuggled goods at iba pa mga bagay na mamahalin na pwedeng maging dahilan ng korupsiyon sa BOC.

Ipinakita ng BOC-CDO na ang pagbabagong ito ay mahigpit na sinisunod gaya na lang ng pagwasak sa 50-M halaga ng ‘misdeclared’ na sigarilyo sa loob ng pasilidad ng Terra Cyclic Corporation sa Brgy. Mantibugao, Manolo Fortich, Bukidnon noong Hulyo 28.

Ang nasabing shipment ay naglalaman ng 1,700 master cases o 85,000 reams na brand ng Two Moon, Mighty, Marvel at Royal para sa Denian Dry Goods Trading.

Dumating ang nasabing smuggled items sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan mula China noong September 18, 2020 kung saan ay idineklara itong office furniture.

Sa ginawang pagsusuri ng Customs Examiner, kasama ang operatiba ng Customs Intelligence Investigative Service (CIIS) CDO Field Station at Enforcement and Security Service (ESS) ng CDO District, ang shipment ng dalawang container ay napag-alaman na naglalaman ng mga iligal na sigarilyo.

Samanatala mahaharap naman ang consignee ng mga winasak na sigarilyo sa paglabag ng Section 1400 o “Misdeclaration of Goods Description” Republic Act No. 10863 o kilala din sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ito ay alinsunod sa mandato ng ahensiya na protektahan ang border ng Pilipinas sa pakikibaka sa mga iligal na aktibidad sa tulong ni Commissioner Leonardo Guerrero na 10-Point Priority Program.

SMNI NEWS