50 na pulis ng Bamban MPS, sinibak na sa puwesto kasunod ng isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring POGO raid

50 na pulis ng Bamban MPS, sinibak na sa puwesto kasunod ng isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring POGO raid

INALIS na sa pwesto ang mahigit sa 50 pulis ng Bamban Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac epektibo kahapon ng umaga, June 3, 2024.

Pinangunahan ng hepe ng Region 3 na si PBGEN Jose Hidalgo Jr., ang turn over at relief ng mga tauhan ng nasabing istasyon kaninang alas 7:30 ng umaga araw ng Martes, June 4, 2024.

Kasalukuyang nasa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 3 ang mga sinibak na pulis para sumailalim sa Form Police, sa Schools for Values Formation ng PNP Training Service sa Subic.

Ang Form Police ay isang 30-araw na programa para sa mga pulis na may layuning Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement. Ito ay isang programa ng values formation and re-orientation program.

Bahagi ito ng PNP internal cleansing sa pamamagitan ng patuloy na re-training program para ituwid ang mga maling gawain ng mga pulis.

Pansamantalang hahalili sa kanila ang mga tauhan mula sa 1st PMFC, 2nd PMFC, Tarlac City PS, Concepcion MPS, at Capas MPS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter