50 police personnel, kinasuhan na sa isyu ng 990 kg shabu sa Maynila

50 police personnel, kinasuhan na sa isyu ng 990 kg shabu sa Maynila

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal ang 50 Philippine National Police (PNP) personnel na sinasabing sangkot sa nasabat noon na halos isang toneladang shabu sa Maynila noong 2022.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG),  Secretary Benhur Abalos sa isang media briefing araw ng Martes, Hunyo 13, 2023.

Ang nasabing mga sangkot ay binubuo ng 12 commissioned officers, at 38 non-commissioned officers.

Ayon kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson Alberto Bernardo, mula sa 50 tauhan ng Philippine National Police, 48 dito ay nakita sa CCTV footage kung saan isinagawa ang anti-illegal drugs operation sa Maynila habang ang dalawa naman ay isinasangkot sa kasong conspiracy.

Ilan sa mga paglabag na kahaharapin ng mga pulis na ito ang sumusunod: RA 3019 Corrupt Practices Act, RA 9165, Revised Penal Code Article 171 o falsification, Article 183 o perjury, Presidential Decree 1829 o obstruction of justice.

Parehong tiniyak ng DILG, PNP, at NAPOLCOM na tatayo ang kaso laban sa mga suspek.

Bagamat, bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga akusado na makapagpaliwanag at ipagtanggol ang sarili kaugnay sa sinasabing kaugnayan ng mga ito sa isyu ng ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok