500 atleta na kalahok sa 2023 SEAG at Para Games, tatanggap ng cash incentives

500 atleta na kalahok sa 2023 SEAG at Para Games, tatanggap ng cash incentives

AABOT sa P74-M ang cash incentives na ibibigay para sa mga atletang nakakuha ng medalya mula sa 32nd Southeast Asian Games (SEAG) at 12th ASEAN Para Games na isinagawa sa Cambodia.

Batay ito sa RA 10699 o ang Expanded National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act.

Sa breakdown, 300-K pesos ang ibibigay sa gold medalists ng SEA Games habang 150-K pesos sa Para Games.

150-K pesos ang silver sa SEA Games habang 75-K pesos sa Para Games.

60-K pesos naman ang bronze sa SEA Games habang 30-K pesos sa Para Games.

Ngayong Hulyo 20, aabot sa 500 atleta ang makatatanggap ng cash incentives sa Malacañang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter