500 benepisyaryo, nabigyan ng medical at burial assistance sa Valenzuela City

500 benepisyaryo, nabigyan ng medical at burial assistance sa Valenzuela City

AABOT sa 500 ang nabigyan ng medical at burial assistance ng Valenzuela City nitong Huwebes, Mayo 25, 2023.

Isinagawa ang pamamahagi sa Alert Center Multipurpose Hall ng lungsod.

Sa nais pang makatanggap ng serbisyo ay maaaring magtungo sa tanggapan ng kongresista ng 1st District sa Valenzuela City Trade Center, McArthur Highway, Malinta.

Maaari ding tumawag sa 8352-1000 local 2990.

Katuwang ng Valenzuela rito ang Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD- NCR).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter