INIHAYAG ngayon ng pag-aaral ng OCTA Research ang posibilidad na bumaba nalang sa daan daan ang bilang ng arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng buwang kasalukuyan.
Sa Twitter post ni Dr. Guido David ng Octa Research Group, posibleng bumaba sa 500 ang daily new cases ng virus sa NCR.
Ito ay kung tuloy-tuloy ang downward trend ang kaso ng virus.
Sa pinakahuling datos ng OCTA, nangunguna pa rin ang NCR sa may pinakamataas na daily new COVID-19 cases na nasa higit 1,200.
Kasunod naman nito ang Cebu, Davao Del Sur, Iloilo, Bulacan, Benguet, Cavite, Negros Occidental, Misamis Oriental, Bukidnon, Laguna, Zamboanga Del Sur, Batangas Isabela, Davao Del Norte, Pampanga, Pangasinan, Negros Oriental, South Cotabato at Cagayan Province.
PROVINCE/REGIONS NEW COVID CASES
As of February 6, 2022
Cebu -478
Davao Del Sur-408
Iloilo-398
Bulacan-346
Benguet-266
Cavite-245
Negros Occidental-219
Misamis Oriental-214
Bukidnon-208
Laguna-206
Zamboanga Del Sur-174
Batangas-164
Isabela-164
Davao Del Norte-161
Pampanga-158
Pangasinan-157
Negros Oriental-145
South Cotabato-144
Cagayan Province-137
Ani David, karamihan sa mga probinsya ngayon ay bumaba na ang kaso ng virus.
Sa kabila nito, pumalo na lang sa higit 8,300 ang kabuuan active cases sa bansa, ito ay batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong araw ng Linggo.
Kung saan, mayroong naitalang 18,431 na gumaling at 312 na pumanaw.
Pero, sa projection ni David, posibleng bumaba sa 5,000 ang average cases sa bansa ngayong linggo at 1,000 hanggang 2,000 average cases naman sa katapusan ng buwan.
Dahil rito, muling nagpaalala si David sa publiko lalot nasa Alert Level 2 na ang ilan sa mga lugar sa bansa na huwag maging kampante at ugaliin pa ring sundin ang health protocols.
Ayon kay Dr. Guido David, ngayong bumaba na ang kaso at ang positivity rate ng bansa, mabuti aniyang magpabakuna na lalo na sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang booster shot bilang pandagdag ng proteksyon kontra COVID-19.