$500-M military aid ng Amerika sa Pilipinas, dapat kuwestiyunin—political commentator

$500-M military aid ng Amerika sa Pilipinas, dapat kuwestiyunin—political commentator

NGAYONG Hulyo 30, magkakaroon ang 2+2 Ministerial Dialogue ang Pilipinas at Estados Unidos sa Maynila, kung saan pormal na iaanunsiyo ng Amerika ang nasa $500-M na katumbas ng higit P29-B halaga para sa Foreign Military Financing (FMF).

Nauna nang inanunsiyo ng US Department of Defense ang suporta nito para sa Pilipinas lalo’t patuloy ang pagtindi ng tensiyon sa South China Sea.

Pero para sa isang political writer at commentator na si EB Jugalbot, dapat na kwestiyunin ang nasabing military aid kung ito ba’y totoong tulong o hindi.

 “‘Yung FMF po dalawang klase ‘yan. Mayroong isang grant, meaning hindi babayaran ng beneficiary country. Walang bayad ‘yun, libre ‘yun or in a form of a direct loan which means babayaran mo. ‘Yan ang hindi klaro. So, dapat ‘yan ang itanong natin kina Sec. Blinken at Sec. Lloyd Austin,” ayon kay EB Jugalbot, Polical Commentator, Writer.

Ang pahayag na ito’y ginawa ni Jugalbot sa isinagawang “No To US-BBM Proxy War” forum nitong Lunes, Hulyo 29, 2024.

Amerika, hindi totoong kaibigan ng Pilipinas—political commentator 

Ayon pa kay Jugalbot, batay na rin sa planong military aid ng Amerika sa Pilipinas, kaduda-duda ang sinasabing pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ito aniya’y dahil mula sa $81-B na kabuuang FMF ng Amerika ay nasa $61-B ang laan para sa Ukraine at $18-B naman para sa Taiwan habang katiting na $500-M lang para sa Pilipinas.

 “Almost $80-B of the $81-B goes to just Taiwan and Ukraine. Ang sa atin katiting lang $500-M. That’s just 0.63% not even 1% of the entire $81-B funding. Kaibigan ka ba? Hindi nga umabot ng 1% ‘yung ibibigay mo? At kwestyunable pa nga kung libre ba ‘yun o babayaran mo,” giit ni Jugalbot.

Binigyang-diin din ni Jugalbot ang military-industrial complex ng US kung saan ginagamit aniya ng mga Kano ang Pilipinas para maglunsad ng giyera.

“Ang Pilipinas, tulad ng Ukraine [at] ng mga iba’t ibang bansa, ginagawa lamang instrumento nitong mga Amerikano para mapalawig ang kanilang military adventurism; ‘yung military interventionism in order to fuel their defense industry, which is a big chunk or a big part of their economy,” ani Jugalbot.

Samantala, batay sa tala ng kasaysayan, nasa mahigit 100 na ang military conflicts na kinasasangkutan ng Amerika sa iba’t ibang panig ng mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble