500 militar, ipakakalat sa NCR

500 militar, ipakakalat sa NCR

AABOT sa 500 military personnel ang nakatakdang ipakakalat sa buong National Capital Region (NCR) kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw ng Lunes, Hulyo 24, 2023.

Pangungunahan ito ng Joint Task Force NCR bilang suporta sa NCRPO-PNP sa pagtitiyak na magiging maayos ang daloy ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Kabilang sa mga magbabantay sa seguridad dito ang Civil Disturbance Management (CDM) companies, ambu-medic teams, K9 at EOD Teams.

Sa ilalim ng direktiba ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr.

Inatasan nito ang JTF-NCRP sa tuluy-tuloy na koordinasyon nito sa PNP kaugnay sa security preparations para mapigilan ang anumang serious threats sa gitna ng SONA ng Pangulo.

Follow SMNI NEWS on Twitter