INILIPAT ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 500 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison papuntang San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga nitong March 17, 2025.
Bahagi ito sa hakbang ng BuCor na ma-decongest ang Bilibid.
Bilang paghahanda na rin ito sa pagsasara ng Bilibid sa taong 2028.
Bago matapos ang Abril ay maglilipat pa ang Bureau of Corrections ng 300 PDLs papuntang Palawan Prison and Penal Farm.
Mayroon ding 400 sa Sablayan Prison and Penal Farm at karagdagan pang 300 sa Davao Prison and Penal Farm.
Follow SMNI News on Rumble