INILIPAT ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula New Bilibid Prison papuntang San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Sa naturang bilang, 147 sa mga ito ay mula sa Maximum Security Camp; 153 mula sa Medium Security Camp; at 200 mula sa Reception and Diagnostic Center.
Dumating na ang mga ito sa Zamboanga nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2024.
Ang paglilipat ay bahagi pa rin ng paghahanda sa Bilibid closure sa taong 2028.