500 sambahayan, nagtapos na ng 4Ps

500 sambahayan, nagtapos na ng 4Ps

NAGTAPOS na bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang daan-daang sambahayan sa Laguna.

Pinangunahan ni Sec. Erwin Tulfo ang Ceremonial Graduation Rites sa 500 benepisyaryo nitong Miyerkules.

Pinuri naman ng kalihim ang mga nasabing graduates dahil nakamit na ang self-sufficiency o antas kung saan hindi na sila maituturing na non-poor.

Pagtitiyak pa ni Sec. Tulfo, hindi pababayaan at aalalayan pa rin ng ahensya ang mga nagsipagtapos na benepisyaryo ng 4Ps.

Ito ay sa pamamagitan ng iba pang programa ng ahensya kabilang ang Sustainable Livelihood Program at Assistance for Individual in Crisis Programs.

Follow SMNI NEWS in Twitter