NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,000 karagdagang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Mayo 13.
Ito na ang pinakamataas na bagong kaso na naidagdag sa kada 24-oras ngayong taon 2021.
Dahil dito, umabot na sa 616,611 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, may naitalang 281 na gumaling mula sa nasabing sakit kaya umabot na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa 547,166.
Naitala naman ang 72 bagong nasawi dahil sa sakit dahilan upang umakyat sa 12,766 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.2% o 56,679 ang aktibong kaso, 88.7% o 547,166 ang gumaling, at 2.07% ang namatay.
Kahapon, Marso 12, iniulat ng Japanese health officials na nakadiskubre ito ng bagong COVID-19 variant sa isang biyahero mula sa Pilipinas.
Ayon sa ulat sa website ng National Institute of Infectious Disease (NIID) ng Japan, nakitaan ng coronavirus-positive sample ang isang biyahero mula sa Pilipinas na may E484K at N501Y mutations.
Ayon sa Ministry of Health, ang byahero ay isang lalaki na nasa edad 60s at isang asymptomatic.
Dagdag pa ng NIID ang mutation N501Y ay nakikita mga variant na unang nadiskubre sa UK (B117), South Africa (B1351), at Brazil (P1) – na nagbibigay sa kanila ng mas nakahahawang virus kaysa sa orihinal na bersyon nito.