5,000 karagdagang bakuna, dumating na sa syudad ng Naga; vaccination program, nagpapatuloy

5,000 karagdagang bakuna, dumating na sa syudad ng Naga; vaccination program, nagpapatuloy

DUMATING na ang 5,000 na additional vaccines sa syudad ng Naga habang nagpapatuloy pa rin ang vaccination program sa lugar.

Malaki ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Naga sa karagdagang bakunang dumating kahapon na nasa 5,000 doses habang nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna na ginagawa sa JMR Coliseum bilang Megavax facility sa lungsod.

Dumating na kahapon ang 5,000 doses na Sinovac vaccines mula sa gobyerno nasyonal na agad naman gagamitin ngayong araw sa nagpapatuloy na vaccination program at inaasahang mauubos ito sa loob ng 5 hanggang 6 na araw upang makapagpadalang muli ang Department of Health (DOH) ng mga dagdag na bakuna.

Dinadalangin din ng syudad na mapirmahan na ni vaccine czar Galvez ang multi-lateral agreement para sa pagbili ng naga ng inisyal na 50,000 doses ng Covaxin upang tuloy-tuloy na ang pagbabakuna sa syudad upang mahinto na ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Samantala, sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa JMR Megavax facility nitong nakaraang araw, umabot na sa 533 na indibidwal na kasali sa A1 o mga frontline health workers, A2 o mga senior citizens at A3 na mula sa mga may comorbidities priority groups na nagmumula sa iba’t ibang barangay ng syudad ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Ayon sa naitala, ang total vaccinated report sa naga ay umabot na sa 5,147 na mga residente ng syudad ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna at 2,651 na ang nakatanggap ng second dose.

Samantala, muling nakapagtala ng 21 panibagong kaso ang syudad ng Naga at muling napasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

(BASAHIN: Syudad ng Naga nakararanas ng kakulangan sa suplay ng bakuna)

SMNI NEWS