KAMAKAILAN lang ay nagdaos ng isang malawakang simultaneous outreach programs ang Inday Sara Duterte Ako (ISDA)-Volunteer Support Group sa iba’t-ibang siyudad sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Ang nasabing programa ay para sa mga makabagong panahon na mga bayani bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Sa temang, “Sharing and caring never stops, anytime, all the time!”, pinangunahan ang programa ni ISDA Director for Mindanao Attorney Jet Lim at ang mga kasamang volunteers nito.
Ginanap ang mga aktibidad sa probinsiya ng SOCKSARGEN, Davao del Sur, Samar-Leyte, at Cebu na nagbigay tulong sa 5,000 pamilya.
Kabilang sa mga aktibidad na kanilang idinaos ay feeding programs sa mga 300 kabataan sa Yolanda Reclamation Site sa Leyte, at 500 internally displaced persons sa Tulungatung, Zamboanga City.
Nabiyayaan din ang mga senior, kabataan, at mga magulang ng Barangay Putik-East Coast, Zamboanga City habang 300 mga batang Badjao sa Badjao Village, Bongao Tawi-Tawi.
Naayudahan din ang mga indigent families ng Barangay Tongmageng, Sitangkai, mga pamilya sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu, at sa mga piling pamilya sa Zamboanga Sibugay.
Kasama na rin dito ang pagbibigay ng libreng gasolina sa tricycle drivers sa 102 drivers ng Cebu-Mandaue Tricycle Association.
Nakatanggap din ng libreng gasolina ang 240 tricycle/trisikad drivers ng General Santos City at Polomolok, South Cotabato.
Kabilang din ang 290 tricycle drivers ng Bansalan, Davao del Sur at sa Tetuan Highly Urbanized Barangay Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng bayan ng Zamboanga.
Sa panahong ito, ang ating mga tunay at makabagong mga bayani ay ang mga kababayan nating nagsusumikap sa gitna ng balakid na dinadanas dulot ng pandemya at kahirapan.
(BASAHIN: Isanlibong seedlings ng bakawan tinanim ng mga volunteer ng Inday Sara Duterte Ako)