500k na bagong trabaho, pinangako ng Grab kay PBBM

500k na bagong trabaho, pinangako ng Grab kay PBBM

NANGAKO ang ride-hailing service na Grab na magbibigay ito ng job opportunities sa mahigit kalahating milyong mga Filipino kasabay sa pagbibigay ng investment pledge kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaugnay nito, nakipagpulong ang Grab Holdings Inc. at ang kanilang chief executive officer na si Anthony Tan kay Pangulong Marcos para irekomenda ang mga hakbang upang ma-modernize ang transportasyon.

Ayon sa naturang kumpanya, target nilang makapagbigay ng trabaho sa Davao, Cebu, at Iloilo.

Mababatid na ang operasyon ng motorcycle taxis ay limitado lang sa mga pilot testing phase simula noong 2019, para pag-aralan ang kaligtasan ng naturang serbisyo.

Ang Move It, na motorcycle taxi service na suportado ng Grab, kasama ang Angkas, at JoyRide ay tanging mga participants na pinapayagang mag-operate sa ilalim ng pilot phase.

Follow SMNI NEWS in Twitter