KATUWANG ang Philippine Coast Guard (PCG), ligtas na nailikas ang 52 na pamilya sa abot-dibdib na baha sa Brgy. Mangagoy at Brgy. Tabon, Bislig City, Surigao del Sur.
Naganap ito sa kasagsagan ng baha nitong Lunes dahil sa patuloy na pag-ulan sa probinsya.
Sa pagtutulungan ng PCG, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army (PA), at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO)-Bislig City, ligtas na naihatid sa evacuation center ang mga apektadong pamilya.
Matatandaang kaisa rin ang PCG sa mga search and rescue operations ng pamahalaan sa mga nagdaang pagbaha at pagguho ng lupa sa malaking bahagi ng Misamis Occidental at maging sa Kabisayaan dulot ng shear line at tuluy-tuloy na mga pag-uulan.