Low pressure area sa silangang bahagi ng Luzon, posibleng maging bagyo

Low pressure area sa silangang bahagi ng Luzon, posibleng maging bagyo

PATULOY na binabantayan ngayong ng Pagasa Weather Forecasting Center ang low pressure area sa silangang bahagi ng Luzon.

Batay sa bulletin ng Pagasa, posible na maging ganap na bagyo ang low-pressure area na nasa silangan ng Infanta, Quezon sa susunod na tatlumpu’t anim na oras.

Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong “Enteng” na panglimang bagyo ngayong taon sa bansa.

Sa 2PM rainfall advisory ng Pagasa, ang nararanasang pag-ulan ngayon sa Metro Manila at karatig-probinsya ay dulot ng trough ng LPA.

Nagdulot naman ng pagbaha at pagsisikip ng daloy ng trapiko ang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Pagasa partikular sa mga lugar na prone sa pagbaha at landslide ng ibayong pag-iingat.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published.