54 na baril ng mga rebelde, sinira ng militar sa Davao City

54 na baril ng mga rebelde, sinira ng militar sa Davao City

SINIRA ng AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang 54 na baril na pag-aari ng mga rebeldeng komunista.

Sinaksihan nina National Security Adviser Clarita Carlos, Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. at NTF-ELCAC Executive Director Emmanuel Salamat ang seremonya sa Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City.

Ayon kay AFP EastMinCom spokesperson Major Alex Mindalano, bahagi ang mga baril sa 4,607 na baril na nakuha o isinuko sa kanilang area of ​​responsibility mula 2017 hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na saklaw ng hurisdiksyon ng EastMinCom ang Regions 11, 12, at 13.

Ginawa ang pagsira sa mga baril upang hindi na ito mapunta sa maling mga kamay na maaaring magamit sa iligal na aktibidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter