550 pamilya sa Antique na biktima ng Bagyong Yolanda noong 2013, benepisyaryo ng Pabahay Program ng NHA

550 pamilya sa Antique na biktima ng Bagyong Yolanda noong 2013, benepisyaryo ng Pabahay Program ng NHA

BENEPISYARYO ng Pabahay Program ng National Housing Authority (NHA) ang nasa 550 pamilya sa Antique na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Mismong sina NHA Region VI Manager Hermes Jude Juntilo at Sen. Imee Marcos ang nanguna sa pamamahagi ng housing units sa Villa Lugta Nuevo, Laua-an, Antique nitong Disyembre 14.

Sa kabuuan ay 770 housing units ang nasa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project at ipamamahagi ang natitirang units sa 2024.

Noong Nobyembre 8 o ang ika-10 anibersaryo ng Bagyong Yolanda ay namigay na rin ng 4,788 housing units ang NHA sa mga pamilyang nasalanta ng Yolanda sa Tacloban City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble