56 sa 82 probinsiya, isinailalim sa COVID-19 Alert Level 1

56 sa 82 probinsiya, isinailalim sa COVID-19 Alert Level 1

IPINANATILI ng pamahalaan ang 56 sa 82 na probinsiya sa bansa sa Alert Level 1 na siyang pinakamaluwag na alert level system para sa COVID-19 hanggang katapusan ng Abril.

Sa Resolution No. 6-2 sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na inaprubahan nito ang rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group for Data Analytics para isailalim ang ilang lugar sa alert level hanggang katapusan ng buwan.

Ang resolusyon ang nilagdaan ng Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at Interior and Local Governments Secretary Benhur Abalos, Jr.

Sa ibang bahagi ng pahayag, nilinaw ng DOH na ang 26 na lungsod ay hindi itinaas mula Alert Level 1 dahil sa napanatili lamang ng mga lugar na ito ang Alert Level 2 status simula June 2022.

Bagaman nasa low-risk classifications na ang mga lugar na ito ay mas mababa naman sa 70% ang vaccination rate sa target ng kabuoang populasyon ayon sa DOH.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter