NASAWI ang 56 katao habang aabot sa 600 ang nasugatan sa bansang Sudan.
Ito’y matapos ang sagupaan sa pagitan ng Sudan Military at Paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Sinabi ng Central Committee of Sudan Doctors na marami pang casualties sa naturang labanan ngunit hindi pa nao-ospital dahil mahirap silang maabot.
Sa ulat, tumaas ang tensiyon sa pagitan ng hukbo at RSF nang sinabi ng grupong Paramilitar na nakuha na nito ang kontrol sa Presidential Palace at Khartoum International Airport at tila may pagtatangkang kudeta.
Agad naman itong itinanggi ng military chief na si Abdel Fattah al-Burhan.